Binigyan ng pagkakataon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na makausap ang kanilang mga mahal sa buhay at pahalagahan ang mga yumao sa pamamagitan ng e-Undas.
“The initiative, which facilitates supervised video calls for PDLs, underscores the importance of family ties even in challenging circumstances,” ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang.
“We want to make sure that despite physical confinement, PDLs can still stay connected with their families during meaningful occasions,” dagdag pa niya.
Noong Sabado, pinangunahan ni Catapang at iba pang opisyal ng Bucor ang isang special Mass sa mass grave sa loob ng NBP Cemetery.
Ang hakbang na ito ay hindi lamang nagpaparangal sa alaala ng mga yumao na kundi sumasagisag din sa iisang pakiramdam ng komunidad at pananampalataya sa mga nakakulong na indibidwal.
Ilang reporma na ang ipinakilala ng administrasyong Marcos sa sektor ng hustisya. Ang mga repormang ito ay mula sa mga pagsisikap na i-decongest ang mga kulungan, ang wastong pagpapatupad ng batas sa Good Conduct Time Allowance at mga panuntunan sa plea bargaining na pakikinabangan ng libu-libong mga bilanggo, na tinitiyak na mananatili silang nakakulong nang hindi hihigit sa kung ano ang kinakailangan ng batas.
Nag-ambag din ang pribadong sektor sa pagpapabuti ng kondisyon ng kulungan, na kinabibilangan ng donasyon ng San Miguel Corp. ng PHP150 milyon na pagkain at kagamitan at ang pagtatayo ng mga skills training center sa BuCor at Correctional Institute for Women para sa mga PDL na malapit nang lumaya.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?