November 24, 2024

MGA PASAHERO NA GALING CZECH REPUBLIC ISINAMA NG BI SA TRAVEL RESTRICTION

MAYNILA – Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) na kanilang ipatutupad ang direktiba mula sa Malacañang na isama sa listahan ang mga pasahero mula Czech Republic na hindi papayagang makapasok ng bansa.

 “We have received a directive expanding the travel restrictions to include aliens coming from the Czech Republic, or those who have been there within 14 days preceding arrival in the Philippines,” saad ni BI Commissioner Jaime Morente sa isang advisory.

 “This will take effect 0001H of January 28, until the end of the month,” dagdag pa niya.

Dahil dito, umabot na sa kabuang bilang na 36 bansa ang sakop ng travel restriction sa Pilipinas.

Kamakailan lang, ipinatupad ng BI ang travel van sa mga dayuhan na nagmula sa United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, The People’s Republic of China, including Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at the United States.

Isinama rin sa travel ban ang mga nagmula sa Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.

Nitong nakaraan lang din ay isinama ng Malacañang ang United Arab Emirates at Hungary sa mga temporarily restricted.

Noong 2020, umabot sa 3,184 Czechs ang nakapasok sa Pilipinas bago ipatupad ng bansa ang travel restriction dahil sa COVID-19 at ang bagong variant nito.