BUKOD sa pagkumpiska sa mga paninda nakatikim pa ng sermon ang mga iligal vendors sa Pasay at Parañaque nang magsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MMDA sa lungsod ng Pasay, partikular sa ilalim ng lrt sa Baclaran.
Ayon kay MMDA clearing operation supervisor Jose Sabala, sa ilalim ng liderato ng bagong MMDA Chairman Benhur Abalos ay gagawin nila araw-araw ang pag-iikot sa buong Metro Manila upang mapanatili na malinis at lumuwag sa mga motorista ang mga pangunahing lansangan sa National Capital Region.
Mismo ang mga illegal vendors ang pinaglilinis ng MMDA ng kanilang mga kalat sa harapan ng mall at ilalim ng Lrt station sa Baclaran nang maabutan sila ng grupo ni Sabala.
Ayon kay Sabala, napipilitan silang kumpiskahin ang mga paninda ng mga vendors dahil paulit-ulit na silang sinasabihan na bawal na silang magtinda sa mga bangketa.
Bukod sa bangketa sinasakop na din umano ng mga vendors ang kalsada kung saan naging sanhi ito ng mabigat sa daloy ng trapiko. Obligasyon din kasi ng mga LGUs na atasan ang mga opisyal ng barangay na gawin ang kanilang tungkulin na alisin ang mga obstruction sa mga lugar na kanilang nasasakupan. (RUDY MABANAG)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA