
NAKINABANG ang mga pamilyang nasunugan kamakailan lang sa Samagta, Brgy. San Juan sa Taytay, Rizal sa tulong na ipinagkaloob ni dating Mayor Joric Gacula ngayong araw.
Magiliw at mainit na sinalubong ng mga apektado ng sunog ang naturang alkalde kasama si Jeca Villanueva.
Naniniwala si Gacula na mahalagang damayan ang ating mga kababayan na nawalan ng kanilang tirahan nang dahil sa sunog.
“Sa kabila ng pagsubok, dama natin ang tibay ng kanilang loob at pag-asa kung kaya’t hindi natin sila pababayaan—patuloy tayong magkapit-bisig upang suportahan ang isa’t isa,” ayon sa dating alkalde.
“Ipanalangin natin sila, at sa tulong ng Diyos at ng ating pagkakaisa, sabay-sabay tayong babangon muli,” dagdag pa nito.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO