Ilang oras pagkatapos manalasa ng bagyong Ulysses, binisita ni Vice President Leni Robredo ang pamilyang napektuhan nito.
Dumalaw si VP Robredo sa mga pamilyang nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa kanyang Facebook Live posts, ibinahagi niya ang serye ng pagbisita sa komunidad, partikular sa Marikina at Rizal.
Photo Credit: VP Leni Robredo Facebook page
Bukod dito, dinalaw niya rin ng personal, kasama ang team sa OVP ang mga apektado ng bagyo upang malaman ang kanilang mga kalagayan.
Namahagi rin sila ng mga pagkain sa tulong ng mag donors at partners. Isa sa binisita niya ay ang pamilyang nasa Kasiglahan Village Elementary School sa Rodriguez, Rizal.
“We have a partner community there and we brought hot meals because many of them have yet to eat,” saad niya.
“Mahirap yung kalagayan ng lahat, talagang wala silang naisalba at ang claim nila, di nila inex-expect yung nangyari at di talaga sila nakapaghanda,” aniya.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna