NAVOTAS CITY – Pinirmahan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 139 Series of 2021 na pumapayag sa mga palengke, grocery stores, at talipapas na mag-operate araw-araw maliban sa 1 hanggang 3 P.M. na disifection tuwing Lunes.
“Our COVID cases are decreasing that’s why we are easing some restrictions. However, we need to continue to be careful especially now that our country has confirmed cases of the Delta variant,” ani Tiangco.
“While we shortened the disinfection hours, we expect operators and vendees to follow and enforce public health protocols, and conduct daily disinfection,” dagdag niya.
Nagbabala naman si Tiangco na ang kabiguang magsagawa ng mga aktibidad sa paglilinis sa tinukoy na iskedyul ay maaaring humantong sa muling pagpapataw ng araw ng disinfection.
“We need to be vigilant lest we risk losing the gains we have achieved in our fight against COVID-19,” sabi ng alkalde.
Hanggang June 28, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,013 cases, 48 ang active, 371 ang namatay, at 10,594 ang mga gumaling. (JUVY LUCERO)
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS