MGA Cabalen, mababasa po ninyo sa title pa lamang ay makikita na ninyo ang galit na ating nararamdaman sa PhilHealth dahil sa kanilang pandarambong! Pakapalan na ng mukha, ‘di po ba?
Walang awang pinagsamantalahan ng mga opisyal ng PhilHealth ang ibinabayad nating mga miyembro ng nasabing ahensiya. Ginastos ang ating mga kontribusyon na hindi iniisip ang ating kapakanan.
Sukdulan ang galit ko, mga Cabalen, dahil ako ay isang employer na nagbabayad sa Philhealth para sa aking mga empleyado. Ako ang nagbabayad ng buo sa bawat empleyado ko. Hindi ako humingi ng parte upang mabuo ang kontribusyon upang hindi na mabawasan ang suweldo ng aking mga tauhan.
Alam nyo ba, mga Cabalen, na itong makakapal na mukha sa Philhealth kung magpatong ng penalty ay wagas kapag nadelay ka ng pagbabayad? Hindi nila pakikinggan ang iyong paliwanag basta makasingil lamang.
Pinagpapasasaan nila ang kontribusyon ng mga miyembro na nagpapakahirap para makapagbayad lamang sa kanila kada-buwan.
Ginawa tayong gatasan ng mga makakapal ang mukha. Ginamit ang ating mga kontribusyon sa pansarili nilang kapritso.
Wala kayong habag sa mga ordinaryong mangagawa na nagtitiis na makaltasan buwan-buwan dahil umaasang mabibigyan ng inyong serbisyo. Walang kasing tigas ang mukha ninyo, ano?
Kahit kakarampot ang sinusuweldo nagtitiis ang mga maliliit na manggawa para lamang pagdating ng pagkakasakit ay hindi sila mabigatan.
Hindi ba kayo nakukunsensyng mga demonyo na pinagpapasasaan ninyo ang perang hindi naman inyo? At nagmamaang -maangan at nagpapainosente pa itong si Philhealth President General Ricardo Morales. Maaari ba namang wala siyang alam sa pandarambong na namgyayari sa kanyang nasasakupan?
Wala na yata talagang matakbuhan ang mga Pinoy. Kahit saan mapunta basta para sa benepisyo ng mamamayan puro nakawan. Kahabag-habag na talaga tayo, mga Cabalen.
Sana huwag palagpasin ni Pangulong Duterte ang bigtime corruption na ito sa Philhealth.
o0o
Gusto ko po sanang tanungin si Usec Martin Diño kung ano ba ang polisiya ng DILG partikular na ang Barangay Affairs na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga kung ang mga barangay clearance at barangay ID ay dapat bayaran ng residenteng may pangangailangan nito.
Bakit po kaya ang bawat barangay ay may iba-ibang regulasyon ukol dito? Halimbawa na sa Caloocan City, ang Barangay 28 hindi naniningil ng bayad sa kanilang Barangay Clearance at ID. Subalit sa Brgy 167 ang kapirasong papel na napakaliit na nagsisilbi raw ID ng residente ay may bayad na P25.00 bawat isa.
Ano po ba ang regulasyon ninyo ukol dito?
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!