Nalantad sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ang mga mamahaling sasakyan ng mga opisyal ng Pharmally na unang nagsabi na wala silang capital.
Ang company secretary na si Mohit Dargani ay nakabili ng Porsche 911 Turbo S na may halagang P8.5 million.
Ang kapatid naman nitong si Twinkle Dargani, na siya ring presidente ng kompaniya ay Lamborghini Urus naman ang kinuha na may halagang P13 million.
Habang si Pharmally director Linconn Ong ay nakabili ng tatlong high-end cars na Lexus RCF na may halagang P5.9 million, Porsche Cayenne VR6 na may halagang P8 million at Porsche Carrera 4S na P13.5 million ang halaga.
Nabatid na ang Pharmally ay may capital lamang na P650,000, pero nakakuha ng P8 billion halaga ng pandemic projects.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA