
Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency sa Parañaque City.
Ayon sa NBI, inireklamo ng kamag-anak ng isa sa mga biktima na iligal na idiniditene ang mga aplikante sa tanggapan at accommodation ng Maanyag International Manpower Corporation sa Parañaque City.
Ayon sa complainant, tinatago at hinahawakan ng ahensya ang mga pasaporte at travel documents ng mga aplikante para hindi tumakas at magsumbong sa mga otoridad.
Nailigtas sa operasyon ang 15 biktima na kinumpirma na kailangan nilang i-reimburse ang lahat ng processing fees para makuha ang kanilang mga pasaporte at makabalik sa mga probinsya.
Kinasuhan na nang paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Anti Human Trafficking Act, serious illegal detention at estafa sa piskalya ang mga opisyal at kawani ng recruitment firm.
More Stories
DEATH TOLL SA MYANMAR QUAKE, UMABOT NA SA 2,056
1,057 PDLs laya na – BuCor
Mabilis na pagpapauwi sa 29 Indonesian nationals na nasagip sa POGO operations pinuri ni Gatchalian