Humigit-kumulang sa 50 OFW supporters ni President-elect Bongbong Marcos ang nagtipon-tipon sa harap ng BBM Headquarters sa Mandaluyong City upang tutulan ang pagkakatalaga kay Susan Ople bilang kalihim ng Department of Migrant Workers.
Ayon sa grupo, dapat suriin ni Marcos ang personal na buhay ni Ople dahil sa pagkakaroon nito ng live-in partner na si Fort Jose na kanyang driver.
Anila, hindi magandang modelo sa mga OFW at mga kabataan ang pagkakaroon ng live-in partner ni Ople na ipinangalandakan pa umano sa kanyang Facebook page.
Tanong ng grupo kay Marcos kung tama lamang na isama sa Gabinete ang isang kalihim na mayroong kwestyun sa moral standing.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY