Umapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte ngayong Miyerkoles sa mga negosyo na mahigpit na ipatupad ang paggamit ng Kyusipass, ang accredited contact tracing app na pinalakas ng Safepass, para sa mga papasok na customer sa loob ng kanilang establisyimento.
Base sa report ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-CESU), mula Mayo 7 hanggang Mayo 31, 2021, natukoy ng siyudad ang 22,315 indibidwal sa pamamagitan ng nakalap na datos ng Kyusipass, na nalantad sa 119 na indibidwal na positibo sa COVID-19
“Dito natin makikita kung gaano ka-epektibo ang Kyusipass. After the contact tracers’ interview with our positive cases, we were able to trace these people who visited the exposure site an hour before and an hour after our confirmed case’s visit within his most infectious period,” paliwanag ni Mayor Belmonte.
Nagpadala ang CESU ng notification sa mga exposed individuals at hinimok sila na agad mag-report lalo na kung sila’y nakararamdam ng sintomas tulad ng ubo at lagnat.
Karamihan sa mga kumpirmadong kaso ang nagtungo sa mga establisyimento tulad ng groceries, supermarkets, mall at corporate offices habang sila ay infected ng nakamamatay na virus.
“Kyusipass makes our data management easier. It also helps us to trace exposed individuals faster and easier. That is why establishments should have KyusiPass and we encourage our citizens to make use of this app,” dagdag ni Belmonte.
Bukod ito, alinsunod sa Quezon City Ordinance 3019-2021 o mas kilala bilang KyusiPass Ordinance, inatasan lahat ng 80,000 business establishment sa loob ng lungsod na gumamit ng KyusiPass QR code o maglagay ng QR code scanner sa kanilang mga entrance.
Ayon kay QC-CESU chief Dr. Rolly Cruz, walang dapat ikabahala ang mga residente dahil masisiguro ang data privacy kapag ginamit ang nakalap na data mula sa Kyusipass.
“Establishments will not be able to access their visitors’ data. Only CESU is authorized to secure this information and this will only be retrieved when contact tracing is needed,” ani Cruz.
Isa ang Kyusipass sa kinakailangang requirement upang ma-secure ang Safety Seal, na nangangahulugan na sumusunod ang isang establisyimento sa minimum health protocol.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE