Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas mapanganib at nakahahawa na Delta COVID-19 variant sa bansa, inapurbahan na ni Mayor Joy Belmonte ang isang ordinasa na magpapakas sa contract tracing efforts sa pamamagitan ng buong implementasyon ng “KyusiPass” contact tracing app nito.
Parurusahan ng naturang ordinansa ang mga business establishment na hindi wastong gumagamit ng KyusiPass, kasunod ng kamakailang mga ulat na isinara ang mga bar sa siyudad dahil sa paglabag sa IATF at patakaran ng lokal na pamahalaan kung saan ito’y hindi gumagamit ng contact tracing app.
“We found out that those bars have KyusiPass at their entrances for display only, but when we tried to contact trace their customers, their databases were empty. Such irresponsible behavior renders our contact tracing efforts useless and negatively affects our pandemic response. With the swift passage of this ordinance, we can now do random checks of various establishments and determine if they are really using the app properly”, saad ni Mayor Belmonte.
Inaprubahan ni Belmonte ang Ordinance No. PO21CC-456, na kinakailangan na ihanda ng mga establisyimento ang kanilang QR Codes para sa buong implementasyon ng “KyusiPass” contact racing app nang hindi lalagpas sa Agosto 15, 2021.
“We need to immediately implement our digital contact tracing app to beef up our contact tracing efforts amid the entry of the Delta variant in the country,” ani Belmonte.
“Susi para mapigil ang pagkalat ng Delta variant ang pinatinding contact tracing na maaari nating makamit sa tulong ng Kyusi Pass,” dagdag pa niya.
Ang hindi makakasunod ay parurusahan alinsunod sa Section 6 ng Ordinance No. 3019, S-2021, kung saan ang unang paglabag ay papawatan ng P3,000 multa at suspensiyon ng prangkisa o business permit hanggang sa maituwid ang violation.
Sa ikalawang paglabag ay P5,000 multa at suspensiyon ng prangkisa o business permit at iisyuhan din ng temporary closure order.
Habang sa ikatlong paglabag, ang permit sa negosyo o prangkisa ay tatanggalin at iisyuhan ng closure order, na may P5,000 multa.
More Stories
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas