Inalmahan ng mga negosyante ng baboy at manok ang ipinatupad na Executive Order 124 o price celing sa meat products sa merkado.
Ayon kay Nicanor Briones, vice president ng pork producers association, hindi man lang sila kinunsulta ng Department of Agriculture (DA) sa hakbang na ito.
Giit ni Briones, mahigit P300 na ang kanilang kapital sa presyo ng liempo, ngunit nakasaad sa bagong kautusan na hindi maaaring lumagpas dito ang pagbebenta.
Lugi na umano sila at lalo pang malulubog sa problema dahil sa mga dumarating na imported meat products.
Para naman kay Gregorio San Diego ng United Broilers Association, hindi na nila mababawi ang napakataas na production cost, ngayong may price ceiling na.
Tiyak na umano ang kanilang pagkalugi kaya hihingi na lang sila ng tulong sa gobyerno, para mapunan ang malaking pagkakautang.
Agad namang dumipensa si Agriculture Sec. William Dar, at sinabing binuksan nila ang mga plano ng ahensya para sa lahat at nagkataong ang pagtatakda ng price ceiling ang pinaka-angkop na hakbang ngayon para sa food security.
Pakikinggan din umano nila ang mga local producers, para mabigyan ang mga ito ng angkop na tulong.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA