Kayo ba ay isang kasambahay na gustong manalo ng premyo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic?
Kung oo, ito na ang pagkakataon ninyo, mga ate, kuya. Puwede kayong sumali sa ‘Outstanding Kasambahay, Kasambuhay 2020 Pilipinas Awards’.
Ayon kay Xavier Zialcita, 2020 JCI Senate chariman, 10 ang pipiliing winners sa patimpalak ngayong taon. Ang mga magwawagi ay magkakamit ng P100,000.00.
Kuwalipikadong sumali ang mga katulong, kusinera, hardinero, family driver at iba pa. Dapat ay 7 taon nang naninilbihan at 75 taong gulang pababa.
Ang taunang contest ay sinimulan noong 2016 upang kilalanin ang sipag, katapatan at magandang asal ng isang Filipino.
Ang deadline ng nominasyon ay hanggang sa September 15, 2020.Para sa ibang pang detalye, bumisita Kasambahay, Kasambuhay FB Page.
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification