NAGBABALA si Navotas lone district Congressman John Rey Tiangco sa mga masuwerteng nanalo ng bisikleta sa kanyang proyekto na “Pa-PadyakniJRT” na huwag ibenta o isangla ang kanilang bisekleta at gamitin ito sa araw-araw nilang pamumuhay.
“Ito ay aking ibinahagi para matulungan kayo sa inyong pang araw-araw na pamumuhay. Kaya gamitin po lamang ayon sa layuning ito,” pahayag ni Cong. Tiangco.
Naipahayag ng mambabatas ang kanyang apela kasunod ng pagdeliver ng tatlong bisikleta sa tatlong masuwerteng tagumpay na nasagot ng tama ang lingguhang tanong na pinost niya sa kanyang facebook page.
Nanawagan din siya sa mga hindi nagwagi na huwag mawalan ng pag-asa dahil kwalipikado pa rin silang sumali muli sa kanyang proyekto at maghintay lamang at sagutin nang tama ang susunod na tanong na i-post niya kada linggo sa kanyang facebook account.
Ipinaabot din ni Cong. John Rey ang kanyang pagbati sa tatlong masuwerting nanalo at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagsusumikap. “Alam kung malaking tulong ang maidudulot ng mga bisekletang ito sa inyong trabaho, kabuhayan at sirkumstansya sa buhay”, ani mambabatas.
Nagpaalala din siya sa mga Navoteño na sumunod sa mga pinaiiral na safety measures gaya ng pagsuot ng face mask, maghugas palagi ng kamay at tamang social distancing na 2 metro.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY