January 23, 2025

MGA NAMATAY SA COVID-19, PAPAYAGANG ILIBING PERO BAWAL HUKAYIN KAHIT KAILAN

PAPAYAGAN na umano ang paglilibing sa mga nasawing pasyente na kinapitan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), ngunit sa ilalim ng ilang mga kondisyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Health (DOH) spokesperson USec. Maria Rosario Vergeire, batid daw nila na marami nang mga crematorium facilities ang hindi na kaya pang mag-accomodate ng karagdagang mga bangkay.

Batay kasi sa sanitation code, sa oras na mamatay ang isang pasyente dahil sa anumang uri ng nakahahawang sakit ay dapat itong ma-cremate sa loob ng 12 oras.

Sa kasagsagan ng coronavirus pandemic, kaya ng mga crematorium na magproseso ng hanggang walong mga labi araw-araw.

Pero dahil sa tumataas na demand, may crematorium sa Quezon City ang naubusan na ng urn para sa mga patay.

Ayon kay Vergeire, hindi na maaaring hukaying muli ang bangkay sa oras na inilibing na ito.

“Kailangan double-sealed ‘yung bag, kailangan ‘yung casket adequately sealed din ‘yan at kailangan kapag isinara na natin at na-seal na ang ating individuals, hindi na ‘yan puwedeng buksan kahit kailan,” ani Vergeire.