January 23, 2025

Mga nakatenggang players ng WNBA, makatatangap ng ayuda kay Kyrie Irving

Maglalaan ng $1.5 million dolyar na pondo si Brooklyn Nets superstar Kyrie Irving para sa kapwa niya basketbolista. Ang nasabing pondo ay magiging ayuda sa mga players ng WNBA na nagpasyang huwag maglaro sa bagong season ng liga.

Kagaya ng ibang players, mas pinili ni Irving na huwag lumahok sa NBA bubble restart. Ito’y bilang bahagi ng kanyang pakikibaka laban sa racial injustice.

Ayon sa ulat, ang mga players ng WNBA na nahinto sa paglalaro dahil sa Coronavirus ang magiging beneficiaries ng nasabing pondo galing kay Irving. Gayundin ang mga biktima ng racial injustice.

 “Whether a person decided to fight for social justice, play basketball, focus on physical or mental health, or simply connect with their families, this initiative can hopefully support their priorities and decisions,” ani Irving.

Gaya ng NBA, balik aksyon na rin ang season ng WNBA  sa Orlando, Florida. Kung saan, ilan sa mga players ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa current state ng racial injustice sa bansa.

Ang pera ay manggaling sa newly launched na KAI Empowerment Initiative. Mag-aalok din ito ng financial literacy program. Ang top annual salary sa WNBA ay mahigit sa $200,000.

Ilan sa mga kilalang players ng WNBA ang umatras sa bagong season dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Kabilang dito si Natasha Cloud guard ng defending champion Washington Mystics.

Aniya, prioritized niya ang social justice advocacy kagaya ni Renee Montgomery ng Atlanta Dreams. Health reason naman ang dahilan nina center La Toya Sanders, Tina Charles at Mystics star Elena Delle Donne.

Para makatanggap ng ayuda ang mga players, ilan sa mga kondisyon ni Irving— na dapat ay panindigan nilang hindi sila maglalaro. Pati na rin ang hindi pagtanggap ng anumang sahod mula sa ibang entity. Kung medical reasons naman ang rason, dapat ay may kaugnayan ito sa COVID-19.