November 16, 2024

MGA NAGPAPADUMI NG ASO SA KALSADA, BINALAAN NI MANILA MAYOR HONEY LACUNA

Nagbabala si Manila Mayor Honey Lacuna Pangan sa mga residente ng Maynila na may mga alagang aso at pusa.

Partikular na pinaalalahanan ng Alkalde ang mga nagpalagala at nagpapadumi ng  mga alagang aso at pusa sa kalsada lalo na sa harapan ng kanilang kapitbahay.

Nakatanggap ng maraming reklamo ang Manila LGU hinggil sa mga residente na walang pakundangan na magpadumi ng aso sa mga lansangan at kadalasan ay sa harapan ng mga kapitbahay.

Ayon sa Alkalde labag ito sa ordinansa ng lungsod  partikular ang Manila City Ordinance 1600 o ang pagbabawal sa pagpapagala at pagpapadumi ng alagang aso sa lansangan.

Nilinaw ni Mayor Lacuna na responsibilidad ng dog owners na linisin o damputin ang duming iniwan ng kanilang mga alaga sa mga kalsada.

Kaugnay nito, hinikayat ni  Lacuna  ang mga apektadong residente na maghain upang laban sa mga iresponsableng pwt owners.

Paalala ni Lacuna sa mga naninirahan sa Maynila na panatiliing malinis ang kapaligiran at pangalagaan ang kalusugan.