Ang pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF),Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF),Sugarcane Industry Development Act (SIDA) ay nagbibigay ng mas higit na credit assistance para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, ang pagkakaroon ng mura o ‘subsidized credit’ ang pangunahing kailangan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda para kumita at maging competitive.
Prayoridad ito ng senadora kaya’t tatlo kanyang mga pangunahing nagawang mga batas ang nagbibigay ng mahigit P2.1 bilyong pondong pautang kada taon para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ang mga ito ay ang Republic Act (RA) No. 11203 o RCEF na naisabatas noong 2019, R.A. No. 10848 o ACEF na ipinasa noong 2016 at R.A. No. 10659 o SIDA na naipasa noong 2015.
“Ever since, I have been focused on removing the barriers that keep farmers and fisherfolks from being more profitable. Among which is access to affordable credit and I am glad that the laws I have authored and sponsored are serving their purposes,” sabi ni Villar.
Ang mga iniakdang batas ni Villar ay nagbibigay ng kailangang pautang bukod sa libreng inbred seeds, machineries/equipment, scholarships, livelihood assistance at training sa mga magsasaka, mangingisda at mga kooperatiba.
Ss kanyang ulat sa Land Bank of the Philippines na mangasiwa sa pondo ayon sa batas, umabof sa P224.66 bilyon ang outstanding loan sa agriculture sector hanggang August 2020.
Kabilang dito ang P20.86 bilyong pautang sa mga kooperatiba at farmers association sa ilalim ng ACEF at ang Expanded Rice Credit Assistance ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (ERCA-RCEF) at ang Socialized Credit Program ng Sugarcane Industry Development Act (SCP-SIDA).
Naglaan ang RCEF ng PP1 bilyong pautang pagpapalakas sa produksyon ng mga magsasaka. Naglaan naman ang ACEF ng PhP800 million o higit pa depende sa koleksyon.
Pinopondohan ang SCP-SIDA ng 15 porsiyento o P300 million mula sa taunang P2 bilyong pondong nakalaan sa pagsulong sa industriya ng asukal sa bansa.
“We are thankful to LandBank for doing its job in boosting the agricultural productivity in the country. We hope that they will be even more proactive in making the available funds more accessible to the intended beneficiaries. Previously, there were some delays on their part. We should avoid that especially during the pandemic when funds are urgently needed,” ayon kay Villar.
Base sa pag-aaral, mahalaga ang agricultural credit sa pagresolba rural poverty at pagsulong sa countryside development.
Pauutanging ang malililit na magsasaka at mangingisda ng kapital ng pambili ng production inputs gaya ng binhi at equipment Gagamitin din ang pautang para pagandahin ang kanilang mga binhi at livestocks upang madagdagan ang produksyon, mabawasan ang pagkalugi at mas malaki ang kita.
“We have been encouraging farmers to run their farms as business, so these available loans or credit facilities can help them with that. We also want to save them from falling prey to loan sharks who charge them exorbitant interests. So, government credit facilities or lending windows should really be accessible to them,” sabi ni villar.
Nagkakaloob ang SIDA law ng socialized credit sa pamamagitan ng Land Bank, upang magkaroon ng inputs, farm machineries at implements na kailangan sa patuloy ng produksyon ng tubo. Pinangangasiwaan ng bangko ang socialized credit facility sa ilalim ng Farm Support Program at Farm Mechanization Program.
Sa ilalim ng ACEF law, 80 porsiyento ng pondo na pautang na may resonableng interes ay hindi lalampas sa P5 milyon kada proyekto ang pautang. Ito ay gagamitin sa pagkuha at pagpapatayo ng agri-based production at post-production, processing machineries, equipment at pasilidad sa makabagong gawain sa agrikultura para sa Pilipinong magsasaka, mangingisda, asosasyon, mga kooperatiba at MSMEs.
Sa ilalim ng RCEF law, 10 porsiyento o P1 bilyon ang nakalaan sa murang credit facility na may dalawang porsiyentong at minimum collateral requirements sa rice farmers at mga kooperatiba na ipatutupad ng Land Bank at Development Bank of the Philippines.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?