Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Medyo na-hook-up ang ating mga kababayan ngayon sa pakulo ng isang convenience store. Ito ay tungkol cup-cup na pauso ng 7-11.
Kung saan yung cup ay may mga mukha ng mga presidentiable aspirants. Sa pamamagitan nito, malalaman daw ang pulso ng taumbayan o parokyano kung sinong kandidato talaga ang malakas. Kung sino ang bibili ng cup na may mukha ng kandidato, yun ang siste na gusto nila itong iboto. Isa ba itong pasimpleng survey ng 7-11?
Maliwanag na oo, di po ba? Okay naman ang pakulo ng 7-11. Ewan lang natin kung bakit nila naisipan ito. Kaya lang, may ilan na gumagawa ng kalokohan dito. Mga kasinungalingan. Gaya ng isang kelot na bumili kuno sa 7-11. May isa raw na bumili hindi nagbayad na supporter raw ni presidential aspirang Bongbong Marcos. ‘E di ba naman isang kasinungalingan.
Bakit kanyo? ‘E napag-alaman na sarado pala yung 7-11 branch na sinasabi nito sa bandang Cubao. Maliwanag na gfumagawa lang ito ng kwento upang palabasin na ang mga maka-BBM ay mga magnanakaw din at manunuba!
Gayunman, hindi ito pormal na basehan para sabihing iyon ang malakas. Malay natin ‘e kinokolekta lang pala ng iba ang cup-cup na ‘yan. Pero, nung ako’y sumadya sa 7-11, napansin ko na mas maraming bawas ang cup ni BBM. So, maliwanag, pati rito ‘e nalalaman natin kung sino talaga ang malakas. Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino