December 28, 2024

MGA MIYEMBRO NG CARTEL, SMUGGLER KABADO NA – PIÑOL

Pinuri ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol ang “brilliant move” ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. para pamunuan ang Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Piñol ang pagtatalaga ni Marcos sa kanyang sarili sa DA ay hindi lamang magpapanginig sa takot sa mga cartel at smugglers kundi matitiyak din na sapat ang pondo at tulong para umangat pa ang sektor ng agrikulutra.

Una nang inihayag ni President-elect Bongbong Marcos na nagdesisyon siya na italaga ang sarili pansamantala bilang susunod na Secretary ng DA.

“With PFMJr. as DA chief, wala nang makakaharang pa sa pag-unlad ng agriculture. Best, brilliant move,” saad ni Piñol sa Facebook.

“Now, I can see cartel members, smugglers shaking in their boots. Walang tigasin na haharang sa DA budget,” saad niya.

Si Piñol ay nagsilbing agriculture secretary mula 2016 hanggang 2019 at tumakbong senador nitong huling eleksyon subalit natalo. Nangako siya na itutuloy ang mga hakbang para protektahan ang mga magsasaka at tiyakin ang food security sa bansa. Kabilang sa kanyang prayoridad ang maamyendahan ang rice tariffication law matapos nitong maapektuhan ang mga kapakanan ng mga magsasaka.