NAGSAMA-SAMA ang League of Rizal Mayors sa isang pagpupulong sa Taytay, Rizal upang pormal na iendorso si Chavit Singson bilang senador.
Ayon sa ating galamay na nagtungo sa nasabing event na pinangunahan ni Rizal Governor Nina Ynares at dinaluhan ng 15 mayor sa buong lalawigan, inilatag ni Chavit ang kanyang mga programa na naglalayong magbigay ng pagbabago o pag-unlad na mapapakinabangan sa mga Pinoy, lalo na ng mga taga-Rizal. Boom panes!
Kabilang na rito ang kanyang transport modernization project, na nakapokus sa kanyang e-jeepney program.
Handog ng inisyatiba na ito para sa mga tsuper na magkaroon ng access sa mga electric jeepney na nag-aalok ng magandang kondisyones. Ang sabi kasi ng mama, walang down payment, walang collateral at zero interest pa. San ka pa!
Pagtugon ‘yan sa pangangailangan sa modernisasyon sa public transportation, ano ba kayo?
Siyempre pinuri ng mga alkalde ang inisyatibang ito ni Chavit, kasi nga naman malaki ang magiging epekto nito sa kanilang constituents sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong solusyon sa mga tsuper at pasahero. Mismo!
Paliwanag ni Chavit, layon ng proyekto na hindi lamang maging eco-friendly ang transportasyon kundi magiging abot-kaya na ang e-jeep para sa mga taong labis na nangangailangan. Get’s nyo ba?
Hindi lang ‘yan, mayroon ding bagong proyekto si Chavit na tinawag na “Banko ng Masa,” na isang financial inclusivity project na idinesenyo para magkaroon ang undeserved Filipinos ng access sa banking services.
Paliwanag niya, layunin ng Banko ng Masa na mabigyan ang mga Filipino, lalo na sa mga remote areas, ng bank accounts at credit cards, kahit ano ang kanilang estado ng pamumuhay.
Nagpakita naman ang mga mayors ng kanilang interes sa mga programa ni Chavit na malaki ang potensiyal na maiangat sa hirap ang kanilang constituents.
Ayon naman sa ating galamay, sinabi raw ni Mayor Jun Ynares na nakuha ni Chavit ang suporta nilang mga mayor, kahit magkakaiba ang kanilang paniniwala sa pulitika.
“Despite being rivals, our common denominator is that we will fully support Chavit for senator. Actually, it’s not just us here in Rizal; this support is nationwide. We LGUs are biased toward candidates who run for national office after serving in local government positions. They understand the people’s needs at the grassroots level—they have their feet on the ground and their finger on the pulse of the people,” say ni Mayor Jun Ynares.
Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI