January 18, 2025

MGA MAHIHIRAP SA MGA LIBLIB NA LUGAR NG BANSA, AABUTIN NG PCSO

TINITIYAK ng bagong chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Felix Reyes na aabutin ng ahensiya ang mga mamamayang nasa mga liblib na lugar ng bansa upang mahatiran ng kinakailangang medical assistance at iba pang ayuda

Sa kauna-unahang panayam kay Chairman  Reyes mula nang maitalaga sa kanyang bagong posisyon, binigyang  diin ang pagpapalawak ng saklaw ng ahensiya at pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng mga sangay ng PCSO

Ayon pa Chairman Reyes, gagawan ng paraan ng ahensiya kung paano matutulingan ang mga mahihirap nating mga kababayan lalo na yaong may mga sakit.

Kailangan lamang aniyang maiayos ang ugnayan sa pagitan ng PCSO central office at mga sangay nito sa iba’t ibang lugar sa bansa upang  mapabilis ang pagpaparating ng paghingi ng tulong na natatanggap ng mga branch offices sa kanilang lugar.

Si Reyes ay mainit na sinalubong ni PCSO President and General Manager Mel Robles at naniniwalang ang kaalaman ni Chairman Reyes ay makatutulong ng malaki.