January 28, 2025

MGA MAGULANG NG BATANG NASAWI SA DENGVAXIA, NAGKILOS-PROTESTA

Muling nagsagawa ng Kilos-Protesta ang magulang ng mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia.

Nagsagawa ng kilos-protesta sa tapat ng Department of Justice (DOJ)  ang mga magulang ng mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia.

Ito’y matapos italaga si Atty. Hermogenes Andres bilang Undersecretary ng DOJ, na manga-ngasiwa ng National Prosecution Service (NPS) Justice Department.

Panawagan ng mga magulang ng biktima kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na palitan na si USec. Andres na humahawak ng kanilang kaso.

Limang taon na anila silang lumalaban para makamit ang hustisya kung kaya’t sana ay maging patas ang pagdinig hinggil dito.

Matatandaan kasing ang law firm ni Usec. Andres ang dating kumakatawan kay dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo First District Rep. Janette Garin na isa sa kinasuhan sa dengvaxia cases.

Gayunpaman, nauna nang sinabi ng DOJ at Public Attorney’s Office (PAO) na walang magiging conflict of interest sa pagitan ng kanilang panel of prosecutors.