IPINAALALA ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na walang babayarang graduation fee ang mga mag-aaral sa public schools.
Ayon kay Mayor Teodoro, walang graduation fee, magkakaloob din ng libreng toga at graduation photo sa elementarya at sekondarya.
Iginiit na mahalagang araw ang graduation para sa bawat magulang at mag-aaral kaya kanyang tinitiyak na lahat ng magsisipagtapos ay aakyat sa entablado nang walang hadlang.
“Ipinapatupad ang NO GRADUATION FEE COLLECTION sa lahat ng mababa at mataas na pampublikong paaralan dito sa Marikina. Walang kailangan bayaran, ibigay na kontribusyon, o alalahanin pang pangangailangan upang makapagtapos. LIBRE ANG PAGTATAPOS dahil lahat ng gastusin na may kaugnayan dito ay sasagutin na ng Pamahalaang Lungsod,” ayon sa Alkalde.
Upang matiyak na mas magiging espesyal ang graduation ng mga mag-aaral, naghandog din ang Alkalde ng libreng toga rental at libreng graduation photo.
Kasabay ng kanyang pagbati, pinaalala ng Alkalde sa mga magtatapos na baunin ang mga alala at magdiwang ng puno ng pagmamahal, saya at pag-asa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA