NANAWAGAN ang samahan ng magsasaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na tulongan sila sa kanilang ipinaglalaban lupa at sakahan na pinagkukunahan ng kanilang kabuhayan sa Batangas .
Sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Dorcas C. Aquino, Presidente ng Samahan Magsasaka ng Balibago, Matabungkay, Lian Batangas na apat na taon na nilang ipinaglalaban ang pinagtatrabahuhan nilang lupa at kinatitirikan ng kanilang bahay na ngayon ay unti-unti nang sinasakop ng mga makapangyarihan.
Ayon kay Aquino, ang naturang lupa ay pag-aari ng gobyerno na ngayon ay patuloy na dinidevelop ng Sta.Lucia. Realty South Crest dahil umano napatitulohan ang bahagi ng hekta-hektaryang lupa sa pribado at maimpluwensyang personalidad.
Panawagan ng mga magsasaka na maisyuhan sila ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng cease and desist order ang ginagawang pagdedevelop sa mahigit 193 hektaryang lupain dahil maraming mahirap na pamilya na ang naha-harass bukod sa iligal ang paggalaw nila sa lupa dahil wala aniyang ‘conversion order’.
“‘Yan ay hindi lingid sa lahat na kapag walang conversion order dapat walang galawan– ang may jurisdiction diyan ay ang DENR,” pahayag pa ni Aquino.
Aniya walang ginagawang hakbang ang DENR upang pigilan ang developer para protektahan ang mga puno at mga tao na may problema sa ganitong usapin sa kabila na sila ay may hawak na dokumento.
Sa area lamang aniya ng Matabungkay ay hirap na ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil na-wash out na ang 200 puno ng mangga na kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Ayon pa kay Aquino, bagama’t binigyan sila ng pag-asa na ipamahagi ang lupa at buhayin ang titulo ng tunay na nagmamay-ari nito na si Manuel L. Quezon ngunit dito pa lamang aniya ay kwestyunable na dahil nagkaroon ng titulo sa pribado.
Aniya, kung tinupad lamang nila ang kasunduan na P3,000 sa bawat 50 square meter ay hindi sana sila ngayon hahantong sa ganitong pagkakataon.
Dahil matagal nang hindi nareresolba ang usapin, naniniwala ang samahan na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng DAR, DENR, developer at pribadong may-ari [Conrad Leviste]
Umaasa rin sila na marinig at makarating kay Pangulong Marcos ang kanilang hinaing at sila ay matulongan.
Mahigit 400 pamilya ang apektado sa tatlong barangay sakop ng Lian, Batangas panghaharas, panggigipit at pananakit umano sa mga mahihirap na magsasaka. Sangkot din sa sabwatan umano ng DAR at DENR ang pangalang Conrad Leviste na kilalang kaanak ng isang politiko.
Iligal umano nitong naisalin ang titulo ng agri land sa kanyang pangalan gayung nakasaad sa Commonwealth Act ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na bawal magbenta ng lupaing pag-aari ng gobyerno para maisalin sa pribado.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA