NILUSOB ng mga magsasaka mula sa Negros Occidental at Batangas ang main office ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City upang ipanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuparin nito ang pangako para sa pamamahagi ng pang-agrikulturang lupain sa agrarian reform beneficiaries.
Noong nakaraang taon, nangako si Marcos na sisikapin nito na pabilisin ang pamamahagi ng land ownership titles sa mga nasabing benepisyaryo. Inatasan niya ang agrarian reform department na dagdagan ang pagsisikap nito sa pamamahagi ng certificate of land ownership awards (CLCOAs) sa mga benepisyaryong magsasaka.
“[F]armers want Marcos to fulfil his promise to distribute all lands covered by CARP quickly and not wait for 2028 and noted that the DAR has not processed the distribution of land based on bureaucratic hurdles that the DAR and the Presidential Agrarian Reform Council (PARC) could have easily dismantled,” ayon sa farmers group Task Force Mapalad (TFM).
Ayon pa rito, nais din umano nilang ituloy ng Pangulo ang pangakong ipamamahagi ang mahigit sa 500,000 ektaryang private lands sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Sa kabilang banda, hiniling din sa Pangulo ng mga magsasaka sa Negros Occidental ang pamamahagi ng 4,654 hektaryang lupain sa lalawigan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA