Inilunsad ng mga mag-aaral at lider-estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan at progresibong organisasyon ang Movement Against Charter Change (MATCHA) Youth Alliance Network sa Commission on Human Rights ngayon, Pebrero 24.
Ito ay dinaluhan ng PUP OSR Chief of Staff Mark Macaraeg, kasama ang ibang progressive youth organization leaders upang makiisa laban sa inihahaing ChaCha ng rehimeng Marcos na magrerebisa sa mga economic provisions sa ilalim ng 1987 Constitution.
Matatandaang isinusulong ng pamahalaan ang ChaCha sa pamamagitan ng people’s initiative na target makakalap ng pirma mula sa 12% ng kabuuang botante sa buong bansa.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA