January 23, 2025

Mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ulysses, nilibot ni Pangulong Duterte at Sen Bong Go sa pamamagitan ng aerial inspection

Nagkasa ng aerial inspection sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher ‘Bong’ Go, upang makita ang kalagayan ng mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ulysses. Nagsimula ang aerial inspection mga alas 3:00 ng hapon.

Kasama sa mga nalibot na lugar ng Pangulo ang Marikina at Montalban, Rizal area at mga kalapit na lugar na nalubog sa baha.

Ayon kay Sen. Go, sa kanilang pagroronda, pinatitiyak ng Pangulong Duterte na handang magamit ang lahat ng assests ng gobyerno para masagip ang mga stranded nating mga kababayan.

Photo Credit: Sen Bong Go FB page

Pinapakilos na rin aniya nito ang lahat ng assets ng armed forces of the philippines, kabilang sa philippine air force, navy at army, gayundin ang sa pambansang pulisya at Philippine Coast Guard lalong lalo na ang kanilang mga rubber boats para mapasok agad ang kinaroroonan at marescue ang mga kababayan nating humihingi ng saklolo.

Sinabi pa ng senador na inatasan na ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kababayan.

Nakamonitor rin aniya ang pangulo sa lahat ng mga kaganapan.

Mensahe aniya ng Pangulo sa lahat, kapit lang, magbayanihan at magtulungan tayo dahil ang gobyerno ay nakahandang tumulong at hindi pababayaan pababayaan ang mga nangangailangan.