NAKAPILA papasok ng Rizal Memorial Stadium ang Locally Stranded Indviduals na tiga-CARAGA region para sumailalim sa rapid test bago ihatid sa kani-kanilang probinsiya sa ilalim ng ‘Hatid Tulong’ program. Hanggang ngayong araw (July 26) na lang ang naturang programa ng pamahalaan. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
ILANG daang locally stranded inviduals (LSI) mula CARAGA region ang nahintay ng mga bus sa Rizal Memorial Statium sa Malate, Manila para makauwi na sa kanila-kanilang probinsiya.
Nakatakdang makabalik ngayong araw ang mga nasabing LSI sa ilalim ng programa ng pamahalaan na ‘Hatid Tulong’, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año na ang maihahatid ng komportable at ligas ang mga LSI na pinaghandaan ng pamahalaan para sa kanila.
Una ng nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa mga LSI na huwag pumunta ng Maynila hangga’t wala pa silang tiket o katiyakan na maari na silang umuwi sa kani-kanilang probinsiya sa araw na dumating sila sa nasabing siyudad, imbes na maipit ng ilang araw sa paghihintay ng pagkakakataon para makabalik.
Nabanggit ng naturang alkalde ang naturang panganib dulot ng hindi nila pagsunod sa mga health protocols.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?