IPRINOKLAMA kagabi sa Lakeshores C-6 Road, Lower Bicutan, Taguig City ang mga lokal na mga kandidato ng lungsod na tinawag nilang TLC o Team Lani Cayetano.
Pinangunahan ni dating House Speaker at Senatorial Candidate Cong. Alan Peter Cayetano ang pagproproklama sa mga Lokal na kandidato ng Taguig City na sina sa Cong. Lani Cayetano na tatakbong alkalde, Councilor Arvin Alit at mga tatakbong councilor ng 1st district na sina:
1st District
RAUL AQUINO
GIGI DE MESA
JIMMY LABAMPA
TOTONG MAÑOSCA
TIKBOY MARCELINO
CARLITO OGALINOLA
ATTY JOY PANGA-CRUZ
GAMIE SAN PEDRO
Sa 2nd district naman ang mga tatakbong councilor ay sina:
MARISSE BALINA-ERON
EDGAR BAPTISTA
JAIME GARCIA
YASSER PANGANDAMAN
ALEX PENOLIO
ED PRADO
JOMIL SERNA
NICKY SUPAN
Tatakbo naman na Congressman ng 1st district ay si dating Vice Mayor Ading Cruz at sa 2nd District ay si Pammy Zamora.
Bukod dito inindorso rin ng Team Lani Cayetano ang dalawang Partylist, ang YACAP Partylist at LUNAS Partylist.
Sa kanyang talumpati nagpasalamat si Lani Cayetano sa suporta ng mga kababayan at higit sa lahat ang suporta na ibinigay ng kanyang inspirasyon nasi Senatorial Aspirant Cong. Alan Peter Cayetano.
Tinitiyak naman ni Lani na lalo nilang palalaguin ang pag-unlad ng lungsod ng Taguig sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Nagpasalamat naman si Lani sa kanyang bayaw nasi Mayor Lino Cayetano sa maayos na pamamalakad ng Taguig at sa matagumpay na pagtugon sa pandemya dulot ng Covid 19.
Todo rin ang pasasalamat ng first nominee ng LUNAS Partylist na si Brian Yamsuan sa pag-endorso sa kanila ng Team Lani Cayetano at ni Sen. Alan Cayetano.
Binanggit din ni Yamsuan sa panayam na kanyang ipa-prayoridad ang informal sectors tulad ng mga drivers, musikero, vendors at iba pa na mga hanay ng no work no pay sakaling palarin na manalo sa halalan.
Bukod Kay Cayetano dumating din sa proclamation rally si Senador Francis Tolentino para ipakita ang kanyang suporta sa kakayahan ng Team Lani Cayetano na mas mapapaunlad pa nang husto ang lungsod ng Taguig. (DANNY ECITO)
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?