NANAWAGAN si Navotas Congressman Toby Tiangco sa mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom.
“We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” pahayag ni Tiangco.
“We cannot overestimate how LGUs play a crucial role in implementing programs towards zero hunger, food and nutrition security, and sustainable agriculture. Together with partner organizations, our united effort will ensure that no Filipino will go hungry,” dagdag niya.
Kamakailan lamang, nilagdaan ni President Ferdinand Marcos ang isang joint memorandum circular na nagsasama-sama ng isang coalition ng national agencies at international organizations na nakatuon sa paggawa ng zero hunger na isang katotohanan sa Pilipinas.
“Through EPAHP, the government can provide credit and insurance assistance and directly connect community-based organizations (CBOs) to government feeding programs,” ani kongresista.
“As of May 2024, this initiative has generated more than P200 million worth of sales and contracts between 122 CBOs and government feeding programs. We are confident that with proper LGU support, we can do more in the coming months,” dagdag pa niya.
Sinabi pa niya na ang 14-member ng EPAHP ay bubuo ng Steering Committee na pamumunuan ng Secretary ng DSWD, upang matiyak na maayos maipapatupad at masubaybayan ang programa.
“President Marcos wants the necessary framework in place to ensure the effective implementation of all the measures under EPAHP. Quarterly monitoring and evaluation of the program will also be done to regularly check if resources are being used for activities that will achieve EPAHP’s intended goals,” pagtatapos na pahayag ng mambabatas.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA