Dumating na kahapon ang PAL A330 aircraft (RP-C8781) sa Maynila galing Riyadh at Dammam (Middle East) dala ang mga labi ng 49 Overseas Filipino Workers.
Ayon kay PAL spokesperson Ma. Cielo Villaluna, umalis ang PAL mula Maynila patungong Riyadh via PR682 noong Hulyo 9 para sunduin ang mga nasawing OFW.
Mula Riyadh, sinabi niya na ang A330 ay lumipad patungong Dammam upang sunduin ang iba pang batch bago makarating sa Maynila via PR683 kahapon, Hulyo 10.
“The flag carrier joins the nation in expressing its condolences and sympathies to the bereaved families of our OFWs. It is an honor for Philippine Airlines to fly our country’s modern-day heroes home to their Motherland. Our OFWs left the Philippines to seek greener pastures. They left the comforts of being with family in order to work in a foreign land, enabling them to provide sustainance for loved ones through sheer hard work,” ayon sa PAL sa isang pahayag.
“We thank the Department of Labor and Employment, the Overseas Workers Welfare Administratiom, the Department of Foreign Affairs, the Department of National Defense and the Armed Forces of the Philippines for working together to ensure the repatriation of our 49 modern-day heroes,” dagdag pa ng PAL.
“Ipinahahayag namin ang aming taos pusong pakikiramay sa mga naulila. Ang aming mga dalangin ay nasa inyong lahat,” ayon kay Villaluna.
Nagsagawa rin ng blessing ceremony ang Air Force Chaplain sa Villamor Air Base. Pinarangalan at pinasalamatan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na siyang chairman ng National Task Force against COVID 19 ang ating mga nasawing OFW para sa kanilang naging kontribusyon sa pamilya gayundin sa bayan.
Naroon din sa nasabing seremonya sina Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, Labor Secretary Silvestre Bello III, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, Health Secretary Francisco Duque, National Task Force (NTF) Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., Transportation Sec. Arthur Tugade, Executive Sec. Salvador Medialdea at PAL Vice President for Security, Gen. Ceasar Ronnie Ordoyo na representante ni PAL President and COO Gilbert Santa Maria.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA