Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Muli na naman tayong hihimay ng mga isyu sa lipunan. Ilang tulog na lang eleksyon na. Kandarapa na ang mga politiko sa pangangampanya.
Lalo na ngayon, dobol time na ang mga karibal ni Bongbong Marcos sa paninira. Lalo na yung bagong gimik na P203 bilyong estate tax. Na hindi anila nabayaran ng mga Marcos. Ang tagal na palang palaman yan, bakit ngayon lang iginigiit at pinambubukol. Sinabi na nga dating opisyal ng BIR na hindi pananagutan ni BBM ang estate tax.
Dahil sinekwester na ng PCGG ang ilan sa mga propyedad ng mga Marcos. Ibig sabihin, pag-aari na ng gobyerno ang mga ito. Bakit, hahabulin pa si BBM? Sablay nga ang propagandang ito, dahil kung matagal nang isyu ito o dapat ipanagot sa mga Marcos, bakit ngayon lang inuungkat?
Dahil ba sa eleksyon na? Saka ilang opisyal na sa BIR at mga former justices ang nagsabi na walang talab kay BBM ang mga isyu patungkol sa estate tax.
Lalo na yung may alam sa Law of Taxation. Pero, ang mga wala, ngawa ng ngawa. Isa na si Guanzon. Batid nating matalino naman siya at alam ang tungkol sa Taxation. Pero, nagtatalo-sira dahil may kinikilingan. Ano pa nga ba!
Ang iba, bayot umintindi. Hindi alam ang pagkakaiba Ng estate tax, ITR at tax evasion. May masabi lang. Pero, kung susuriin, mangmang pala.
Walang ibang bibig kundi magnanakaw ang mga Marcos. Pero, hindi naman kayang patunayan. Pawang pamumulitika lamang. Kaya lalo itong minamahal Ng taumbayan dahil sa patuloy nilang paninira sa kanya. ADIOS amorsekos.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA