November 23, 2024

MGA KABATAAN NA NA-RECRUIT NG MAKAKALIWANG GRUPO HANDANG TANGGAPIN NG PNP NA MAGBALIKLOOB SA GOBYERNO – NCRPO

Hinikayat ni NCRPO Chief, PMGen Vicente Danao, Jr. ang mga kabataang estudyante na ‘wag magpalinlang sa mga makakaliwang grupo na humihikayat na mag-aklas para labanan ang gobyerno.

Ginawa ni General Danao ang pahayag kasabay ng pagdalo nito sa Duterte Legacy Caravan at OPLAN Mapayapang Parañaque sa Baclaran Elementary School, Barangay Baclaran.

Iginiit ni Danao na walang maidudulot na mabuti para sa mga kabataan na na-recruit ng mga rebelde.

Estilo umano ng mga makakaliwang grupo na i-brainwash ang kaisipan ng mga kabataang mag aaral sa mga unibersidad kung saan madaling hikayatin para mamundok at labanan ang gobyerno.

Inihalimbawa pa ni General Danao ang isang studyante balidektoryan na nahikayat na sumama sa rebelde sa bundok at nasawi ito matapos makaengkwentro ang mga militar.

Sa nasabing okasyon kahapon 15 mga kabataan na miyembro ng makakaliwang grupo na laging namumuno sa rally sa Metro Manila ang nagbalik loob sa pamahalaan kung saan sila pinagkalooban ng tulong pinansiyal.

Dagdag pa ni Danao bukas ang PNP na tanggapin at tulungan ang mga kabataang rebelde na nahikayat ng ilang makakaliwang grupo na partylist na nais magbalik-loob sa gobyerno.