Hinikayat ng cancer awareness advocates ang mga kababaihan na magpasuri upang maagang matukoy kung nagtataglay sila ng breast cancer.
Sa Kapihan sa Manila Bay, inanunsiyo ni Dr. Jorge Ignacio na walang dapat ikabahala ang mga kababaihan sa sakit na kanser o breast cancer dahil nagagamot na ngayon ang naturang sakit.
Dati aniya ay depressing ang breast cancer ngunit ngayon aniya ay hindi na.
Mayroon na rin aniyang mga gamot na ngayon ay nasa clinical trial na at maaari ng gamitin dahil epektibo.
Ang mahalaga lang ayon kay Dr. Ignacio ay maagang ma-detect o matukoy upang magkaroon ng maagang treatment
Paalala ng duktor na mas mahirap ang sitwasyon na papanaw ang ina ng tahanan dahil sa breast cancer gayong may solusyon na maaaring magamit upang makaiwas sa hindi inaasahang pagpanaw.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO