Sinabi ni Barangay Health Wellness (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co, na nararapat na gawing disaster-resilient ang mga itatayong bahay at gusali.
Lalo na’t ang bansa ay pamalagiang binabayo ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol at pagbaha.
Aniya, long overdue na upang inahin ang sistema ng pagtatayo ng mga gusali at bahay. Kaya, kinakailangan itong linangin para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Giit ng kongresista, na dapat isama sa National Building Code o RA 6541, na gawing disaster-resilient ang mga bahay at gusali.
Apela ni Co, dapat na alalayan ng mga experts sa engineering, arkitektura, housing development at environmental planning—ang Kongreso at Executive upang maipasa ang batas.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY