
LIAN, BATANGAS – Desidido na ang Korte Suprema!
Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na ipagiba ang mga estrukturang itinayo sa Matabungkay Beach—kabilang ang videoke machines, sari-sari stores, billiard tables, karinderya, at iba pang negosyong walang permit mula sa DENR.
Ayon sa SC Second Division, ang mga estrukturang ito ay “public nuisance” o istorbo sa publiko at walang karapatang manatili sa pampublikong lupa gaya ng mga tabing-dagat.
Nagsampa ng kaso ang mga may-ari ng isang resort sa Matabungkay laban sa mga informal settlers na mahigit 50 taon nang okupado ang lugar, pero wala umanong kahit anong permit. Ayon sa resort, naaapektuhan ang kanilang negosyo dahil sa ingay, dumi, at panganib na dulot ng mga istrukturang walang maayos na pasilidad.
Una nang kumampi sa mga illegal occupants ang regional trial court, pero binaligtad ito ng CA at inutos ang demolisyon ng mga establisyemento, pati na ang pagbabayad ng danyos sa resort owners.
Tinukoy ng Korte na ayon sa Article 694 ng Civil Code, ang mga ganitong klase ng istruktura ay sumisira sa kalinisan, kaligtasan, at kaayusan ng publiko—lalo pa’t walang kaukulang lease agreement sa DENR.
Pinatotohanan pa ng SC na may ulat ng maruming tubig mula sa kanilang toilet system na dumadaloy sa dagat, pati na ang delikadong kitchen set-up na maaaring pagmulan ng sunog.
Walang building permit. Walang lease. At walang balak umalis kahit pinapaalis na ng DENR. Kaya ayon sa SC: GIBA!
More Stories
Maraming Salamat Nora Aunor!
Paglulunsad ng mga Aklat na ‘Xiao Time’, Naging Matagumpay!
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE