GINIBA ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang guardhouse mula sa isang pribadyong subdibisyon sa Katipunan Avenue sa Barangay San Bartolome, na ginagamit para mangolekta ng bayad mula sa mga motorista at delivery truck na dumaraan sa lugar.
Itinuturing na road obstruction ang nasabing guard house, na pagmamay-ari ng California Village sa Katipunan Avenue na isang Mabuhay lane. Sinisingil umano ng P50 hanggang P200 ang mga motorista.
“Tuloy-tuloy ang operation natin sa mga illegal na guard house kahit pa sa private subdivisions. Makikita naman na obstruction ang mga ito at hindi dapat pinagbabayad ang mga motorista para lang makadaan sa mga pampublikong kalsada,” ayon kay DPOS head Elmo San Diego.
Isa pang guard house sa California Village ang ginaba rin.
Samantala, binuwag din ng homeowners ng Sierra Vista Subdivision ang kanilang sariling dalawang guard house, na matatagpuan din sa Katipunan Avenue.
Bukod dito, dinemolish rin ang tatlong guard house cum toll booths sa Kingspoint Subdivision at dalawa sa Goodwill Subdivision para malinis ang mga daanan.
“We do not tolerate private subdivisions that take advantage of our motorists just because they have to pass their gates. Mabuhay lanes are public roads and no one should pay any amount to access these roads,” saad ni Mayor Joy Belmonte.
“Road safety is a shared responsibility. We must refrain from obstructing public roads to give way not just for motorized vehicles but also to alternative transportation users and pedestrians,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA