Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit na pumili ng mga hotel sa kani-kanilang lugar na maaaring magamit bilang pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng virus sa bansa.
Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang direktiba nito ay gumawa ng kasunduan sa mga hotel owners.
Tiniyak din nito na ang mga hotels, inns ay mababayaran ng gobyerno.
Maghahanap umano ng paraan ang gobyerno para sila ay mabayaran.
“‘Yong mga local governments are put on notice that I have directed you to make necessary arrangement with the vacant hotels, motels, na patirahin muna niyo ‘yong mga COVID patients,” ani Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA