Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa mga health worker kaugnay sa plano umanong mass resignation dahil sa mababang sahod at kulang na benepisyo sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 case sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, handa silang pakinggan ang hinaing ng mga ito.
“Sana po mapag-usapan natin lahat ito pong inyong mga hinaing para hindi tayo umabot sa ganitong aksyon dahil ito po ay makakaapekto sa sitwasyon natin na kailangang-kailangan po namin kayo… ng ating mga kababayan,” apela ni Vergeire sa isang public briefing.
“Kung mayroon po tayong mga hinaing, kami po ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga organisasyon ng health care workers at amin pong pinapakinggan ang kanilang mga dinudulog at kung magagawa namin agad-agad, ginagawa namin agad-agad kung ano ang mga kailangan nila,” patuloy niya.
Ito ay matapos sabihin ni UST Hospital union president Donnel John Siason na kinokonsidera ng mga health worker sa mga private hospital na maglunsad ng isang “medical lockdown” dahil hindi sila nabibigyan ng katulad na benepisyo ng mga health worker sa mga public hospital.
Ayon naman kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat taasan ng mga pribadong ospital ang sahod ng kanilang mga empleyado.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT