
OAKLAND, Calif. (AP) — Binakunahan kontra COVID-19 ang mga hayop sa Oakland Zoo gamit ang experimental vaccine. Ang mga hayop na nabakunahan ay ang leon, oso at tigre. Nakahimlay ang Oakland Zoo sa San Francisco Bay Area.
Ang vaccination ay ikinasa bilang national effort upang maprotektahan ang mga hayop doon. Kabilang sa unang nabakunahan sina Ginger at si Molly na pawang mga tigre.
Ang mga doses ay dinoneyt at dinevelop ng veterinary pharmaceutical Zoetis sa New Jersey. Ayon kay Alex Heyman, vice president of veterinary services sa zoo, wala sa alimang hayop doon ang mayroong virus. Pero, kailangan nilang maging proactive.
Inuna nilang bakunahan ang mga tigre, black at grizzly bears, mountain lions at ferrets. Naturukan na sila ng first at second dosage. Susunod nilang babakunahan ay ang primates at mga baboy.
Sa kanilang vaccinations, gumamit ng barriers o harang ang zoo para sa social distancing. Nagsuot naman ng protective gears ang staffs. Sa gayun ay maprotektahan ang mga susceptible species.
“We’re happy and relieved to now be able to better protect our animals with this vaccine,” ani Heyman.
More Stories
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA
Maraming Salamat Nora Aunor!
Paglulunsad ng mga Aklat na ‘Xiao Time’, Naging Matagumpay!