November 2, 2024

MGA HALIMAW SA DILIM!

SA ibang bansa, kapag ang isang halal na dapat ay lingkod-bayan ay nahaharap sa kasong kriminal at hindi politikal, ay isa nang malaking kahihiyan sa kanyang buhay at propesyon lalo pa’t kung siya mismo ay umamin ng kanyang kasalanan dahil tao lamang.

Sa ibang lahi lalo na iyong mga konserbatibong lipi ,ang makulong dahil sa kasalanan sa sambayanan, doon pa lang sa sulok ng rehas ay winawakasan na nila ang kanilang buhay dahil sa kahihiyan at delikadesa.

Pero sa bayan ni Juan, kahit na nakagawa na ng krimen lalo iyong may mga malaking pangalan, isang karangalan ang maghimas ng rehas at pinangangalandakang na sila ay biktima lang ng political harassment at nais lang daw ng nasa poder ng kapangyarihang sila ay patahimikin dahil sa pagiging kalaban daw ng tinuturing nilang diktador.

Kahit dumaan sa masusing imbestigasyon at may tunay na dahilan upang makulong ay ipinagmamalaki pa sa mundo na siya ay isang political prisoner lamang sa bansang aniya ay walang kalayaan ang mamamayan.

Sino ang niloloko ng ganitong halimaw sa dilim na nagsasabing walang kalayaan sa ating bayan gayong kahit na nakapiit ay nakakapagsalita pa laban sa gobyerno instrumento pa ang mga kakamping biased mainstream media na bumabanat din sa administrasyon. Nasaan ang paninikil?

Dito lang sa bayan ni Juan na habang nakakulong ay tumatanggap pa ng sahod mula sa kaban ng bayang ginawan ng matinding kasalanang kriminal at nakapag-iingay pa, hoping na ang rehas ay bentahe upang mahalal muli pagdating ng eleksyon.

Akala niya ay katulad pa rin noong silang mga dilawan ang nasa trono ng kapangyarihan na ang isang masamang elemento kahit na ang kasalanan ay manira ng ari-arian,magkubkob ng pampublikong establisimiyento at mamerwisyo sa tao, pasaporte ito ng katanyagan lalo pag nadakip at nakulong. Nagiging dangal ito upang mahalal sa pamahalaan para magpayaman.

Iba na ngayon, kahit na may kakampi sa propaganda ang epalitikong nakakulong, alam na  ng mamamayan ang totoong nangyayari dahil sa social media.

Kung totoong may paniniil sa mga kritiko ng gobyerno, dapat ay binusalan na rin ang bibig ng  mga walang habas at araw-araw ay tinutuligsa ang Pangulo na sila lang ang naniniwala sa kapal ng hilatya ng kanilang pagmumukha. Bira rito, bira roon sina pekbipi, kikoman, trililingcoup’al, honte’virus, prankpork, xenping, po’lopgreys, pulahang bulok, bayadmuna, babareys, hotchoderetcho, wartonmars, nuynuying at me’diabetiks. Dapat nakakulong silang lahat sa kasalanang sumuweldo sila pero hindi nagsisilbi sa bayan na kanilang sinumpaan dahil puro paninira ang mga balahura tulad ng sabi ni Juan kay halimaw sa dilim o dilimaw!

Pero ang kanilang kabalbalan ay may hangganan at mamamayan ang hahatol ng kanilang  kaparusahan… sa darating na halalan. ABANGAN!

Lowcut: Bongga ang virtual birthday party ni M-24 Builders of Guardians Canada Founder/Organizer (pare ) bro Doc Chito Collantes M24B1024.Shoutout diyan sa Toronto kina Bros Armando Quimirista,AlaEh Guardians at Sis.Lingling Adora.M-24 Manila kina Supremo Elias Dematera at wifey Marievie,Sis Janice Ronquillo-AtO Calamba,Bro Jeric QuimiristaAtO Tagaytay,Dr Albert School faculties,MUG NC APQ,sis NF Thoy at welcome lahat sa mga bagong indoctinated M-24 bros and sis.Mabuhay ang Kapatiran!