NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na bakunado na kontra COVID-19 ang mga guro na kukunin nila para magsilbi sa 2022 elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tuloy-tuloy nilang pinag-uusapan ng Department of Education (DepEd) sa ngayon ang tungkol sa mga guro na magsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa susunod na taon gayong paglalaanan ito ng pondo.
Naghahanda na rin aniya sila sa ngayon sa Comelec para naman sa kanilang magiging budget proposal sa Kongreso.
Kahapon, napagdesisyunan ng Comelec En Banc na huwag nang palawigin hanggang sa Oktubre 31, 2021 ang deadline para sa voters registration, pero inaprubahan naman ang mga panukala para sa pagpapahaba sa registration hours.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA