MULING nanawagan ang grupo ng mga guro kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang kanyang pangako para sa umento sa sahod ng public school teachers dahil matatapos na ang school year (SY) 2023-2024.
“The school year is almost over, but the pay increase anticipated for 2024 has yet to materialize,” ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas. “It’s a small amount, but the government’s action is taking so long,” dagdag niya.
Tinukoy ni Basas ang umano’y salary adjustment para sa fiscal year 2024, na kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) noong nakaraang taon at tiniyak nitong unang bahagi ng buwan.
“This fiscal year 2024 is the second year that the Marcos administration has planned the national budget, but there is still no clear plan to raise teacher and other employee salaries,” ani Basas.
Ayon sa TDC, noong kasagsagan ng kampanyahan sa pagkapangulo taong 2022, nangako si Marcos na kapag nanalo siya, itataas niya ang sahod ng mga guro at magbibigay libreng training sa kanila at scholarship sa kanilang mga anak.
“It appears to fall far short of the promises he made during the previous election campaign,” dagdag niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA