
Kinumpirma ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senadora Imee Marcos, base sa letter na ipinadala ng Malakanyang, na hindi na dadalo ang mga inimbitahang mga miyembro ng gabinete sa pagdinig sa Abril 3 patungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos, natanggap niya ang sulat mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin at nakasaad na hindi na haharap ang mga ito sa pagdinig kung saan kabilang sa dahilan ng hindi pagdalo ay ang paggiit ng executive privilege at subjudice rule dahil may nakabinbing kaso na sa Korte Suprema.
Ikinatwiran pa ni Bersamin sa letter na dumalo at nasagot na ng mga opisyal ng ibat ibang ahensya ng gobyerno ang mga tanong tungkol sa pag-aresto kay Duterte sa unang pagdinig ng Senado nung Marso 20 at kasunod nito, naglabas na rin aniya ng comprehensive findings si Marcos.
Iginiit ni Marcos na bitin ang naunang pagsisiyasat ng kanyang komite at marami pang naiwang katanungan at hindi nagtutugmang mga impormasyon na kinakailangang mabigyang linaw.
Pagkakataon din aniya ito para sagutin ng pamahalaan.
Gayunpaman, wala pang nagkukumpirma sa senadora kung sino ang makadadalo sa imbestigasyon ng Committee on Foreign Relations ukol sa pagkakaaresto sa dating pangulo.
Magugunitang sinabi ni Marcos na hindi naman daw niya intensyon anti-administration ang isinagawang pagdinig.
Sa katunayan aniya mga gabinete ng administrasyon ang dumalo sa pagsisiyasat at wala raw siyang alam sa mga isasagot ng mga ito.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE