November 5, 2024

MGA FREQUENCY NG ABS-CBN, ‘PAMBAYAD UTANG’  NI DUTERTE SA MGA VILLAR –  BAYAN MUNA

Isang gantimpala para sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya na sumuporta sa administrasyon.  Ganito inilarawan ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang ginawang pag-award ng National Communications Commission (NTC) sa dalawang dating frequency  ng ABS-CBN.

Binigyan ang Advanced Media Broadcasting System na pag-aari ni Villar ng “test broadcast” permit para magamit ang mga frequency ng Channel 2 noong January 6, at provisional authority para magamit ang mga digital TV frequency nito sa Metro Manila at Mega Manila sa Channel 16.

“Just like what his idol, the dictator Marcos did during his time, this last two-minute crony payback further exposes the lie of the Duterte administration that it is against oligarchy. The truth is, President [Rodrigo] Duterte has his own favored oligarchs,” saad ni Zarate.

Malayong-malayo ang pahayag ng Bayan Muna sa 2010, nang ito ay nakalinya pa kay Villar. Noong taong iyon ng halalan, kinumpleto nina Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Gabriela Representative Liza Maza ang senatorial slate ni Villar. Lahat sila natalo.

Sinuportahan din ng Bayan Muna ang presidential bid ni Duterte noong 2016,  pero naging magkaaway din sa huli ang magkabilang kampo.

Ang ABS-CBN, na nagdulot ng galit ni Duterte, ay inutusan na isara ang mga operasyon nito sa TV at radyo pagkatapos na mag-expire ang prangkisa nito noong Mayo 2020.  Hindi pinagbigyan ng mayorya ng House of Representatives na bigyan ito ng panibagong prangkisa.

Noong Setyembre 22, 1972, inagaw at ikinandado ng mga sundalo ang ABS-CBN sa utos ni Marcos, na kalaunan ay lumabas sa national television upang magdeklara ng  Martial Law. Nagbukas lamang muli ang ABS-CBN noong 1986, pagkatapos na pabagsakin ng EDSA People Power Revolution si Marcos.

“While this move clearly benefits the Dutertes and the Villars, as well as their allies like the Marcoses, this is detrimental to the Filipino people. We must be very wary and vigilant in guarding against more midnight schemes and deals of the Duterte administration,” babala ni Zarate.

Hindi lamang pinakamayaman ang mga Villar kundi pinakamakapangyarihan sa Pilipinas.

Habang si Manny ay hindi humawak ng pampublikong posisyon mula nang maging senador hanggang 2013, ang kanyang asawang si Cynthia ang humalili sa kanya sa Senado at, noong 2019, siya ang nanguna sa senatorial elections na may mahigit 25 milyong boto. Si Cynthia ay inendorso ni Duterte.

Ang kanilang anak na si Mark Villar ay itinalaga ni Duterte noong 2016 bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways. Ang kanilang anak na si Camille ay naging mambabatas na kaalyado ni Duterte sa House of Representatives mula noong 2019, at naging deputy speaker pa noong 2021.

Ang asawa ni Mark na si Emmeline Aglipay-Villar, ay itinalaga ni Duterte bilang undersecretary ng Department of Justice noong 2018. Sa kanyang pagtakbo sa Senado sa 2022, inalok si Mark bilang guest candidate ng partido ni Duterte na PDP-Laban, ngunit sa halip ay sumali sa slate nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.