BATA palang ay nakitaan na nang husay sa pag-arte itong si Jillian Ward, at ngayon ay ito ang nagdala sa kanya para payagan siyang maging Drama Queen ng GMA-7. Bukod sa pagiging maganda, kinakitaan din ang actress sa pagiging mabait nito sa kanyang mga nakakasalamuha sa showbiz.
“Masaya si Jillian Ward, dahil lahat ng kanyang pagsisikap ay nagkaroon na ng magandang katuparan. Talaga namang pinaghuhusay niya ang lahat para sa kanyang career, at kita niyo naman na lalo siyang hinangaan sa kanyang husay sa pag-arte sa ‘Prima Donnas’ na nag-angat sa kanyang acting career.
“Laki rin nang pasasalamat niya sa Kapuso Network, dahil sila talaga ang nagtiyaga at nagbigay ng magagandang proyekto na malaki ang naitulong para umangat si Jillian sa kanyang showbiz career. Masaya si Jillian, dahil sa tiwala nilang ipagkaloob ang titulong Drama Queen. Dahil para sa kanya, mahirap makuha ang nasabing titulo kung hindi ito nararapat sa isang artista.” Sana tuloytuloy na ang kanyang pag-angat, dahil deserving naman siya talaga sa nasabing titulo.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY