MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang mga mag-aaral ng Valenzuela City Technological College o ValTech sa kanilang bagong-tayong campus sa Barangay Parada.
Ang kauna-unahang flag-raising ceremony ay sinimulan ng bagong tayong campus ng ValTech College mula ng pumasok sa bagong academic year 2024-2025 na dinaluhan nina Mayor WES at Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, kamasa ang mga mag-aaral at guro.
Sa lumalaking populasyon ng mga mag-aaral, ang ValTech na dating kilala bilang Valenzuela City Polytechnic College ay tahanan ng 3,400 na mga mag-aaral. Ang karagdagang kampus ng ValTech ay isa sa mga pagsisikap ng lungsod na mapaunlakan ang mas maraming estudyanteng kumukuha ng mga teknikal na kurso habang binabago ang kurikulum at mga kursong inaalok sa kolehiyo.
Ang ValTech, ay matatagpuan sa Kamagong St., Barangay Parada na may isang covered court at binubuo ang kampus ng limang gusali, na may 63 kabuuang classrooms. Maaari din itong tumanggap ng 3,500 mag-aaral; na may 50 mag-aaral bawat classroom sa 2 shift.
Ang mga bagong kursong inaalok sa ValTech ay Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education (BTVTEd), Bachelor of Engineering Technology (BET)– Major in Heating, Ventilating, Air-conditioning Technology (BETHVAC)– Major in Mechatronics Technology (BETMECT)– Major in Railway Technology (BETRT) at TESDA Course.
Ang mga programa sa ilalim ng bagong alok na kurso ng ValTech ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Lungsod sa ilang teknikal na kumpanya, kabilang ang mga kilalang pangalan sa iba’t ibang industriya.
Ang ValTech, ay isang patunay sa bisyon ng lungsod na bigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral ng Valenzuelano; pagbabago sa kanila upang maging globally competitive at handa para sa mga pangangailangan ng iba’t ibang industriya.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI