Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng P10,000 service recognition incentive para sa regular at contractual na mga empleyado.
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance Nos. 2020-44 at 2020-45 na nagbibigay ng cash incentives sa 534 regular at1,832 contractual na mga empleyado na nagtrabaho sa pamahalaang lungsod ng hindi bababa sa tatlong buwan.
“Our employees have been instrumental in our fight against COVID-19. Their commitment to fulfilling their duties despite risks enabled us to respond effectively to the pandemic and manage our COVID situation,” ani Tiangco.
“We want to recognize all their hard work and sacrifices, and motivate them to continue giving their best in service of Navoteños,” dagdag niya.
Dati ng nagbigay ang pamahalaang lungsod ng P5,000 cash assistance sa 208 na mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).
Noong August, nag released din ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance ng 428 city health frontliners.
“This year has been tough for everyone, especially for our frontliners and employees. That is why we continue to encourage every Navoteño to do their part. Practicing safety measures and taking care of themselves contribute much in our fight against COVID-19,” sabi ng alkalde.
Muling nanawagan si Tiangco sa mga residente at trabahador ng Navotas na magpa-swab test ngayong January.
The test is free. You just have to coordinate with your barangay or our Business Permits and Licensing Office so they could arrange your test schedule,” aniya.
“Help us also decide what vaccine to purchase. Participate in our survey so we could determine how best to pursue our vaccination program,” pagpupumilit niya. Naglaan ang Navotas ng P20,000,000 mula sa Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa pagbili ng bakuna sa COVID-19.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY